Kaalaman Tungkol Sa Mais Bilang Halamang Gamot
Ang mais ay isa sa mga pinaka importanteng produktong pang-agrikultura ng Pilipinas. Ginagamit ito bilang pagkain ng tao at sa paggawa ng mga pagkain ng hayop. Ang mais ay kilalang pananim sa mga bukirin sa Piliinas na inaani para sa bunga nito sa butil. Ang halamang mais ay isang uri ng damo na may taas na 1.5 hanggang 2 metro. Ang bunga ay may maputi o madilaw na mga butil na karaniwang ginagamit sa ilang mga produkto at pagkain. Ang mais ay orihinal na nagmula sa mga bansa sa Amerika.
ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAARING MAKUHA SA MAIS?
Ang iba't ibang bahagi ng halamang mais ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaring mag benepisyo sa kalusugan:
- Ang mga butil ng mais - ito ay mayaman sa carbohydrates, B vitamins ( riboflavin and thiamine), vitamin A at C, potassium at zinc , pati na rin protina.
- Ang buhok ng mais - ito ay mayroong maizeric acid, langis, resin, sugar, mucilage at salts.
PAANO GINAGAMT ANG MGA ITO?
Butil ng mais - ang mga butil ng mais ay maaring kainin, o ilagay at inumin ang pinaglagaan na parang tsaa. Maaai ding dikdikin upang magamit na pantapal.
Maaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Buhok - ang buhok na nakukuha sa bunga ng mais ay maaaring gamtin sa panggagamot. Kalimitan itong pinakukuluan at iniinom na parang tsaa.Butil ng mais - ang mga butil ng mais ay maaring kainin, o ilagay at inumin ang pinaglagaan na parang tsaa. Maaai ding dikdikin upang magamit na pantapal.
ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG MAIS?
- Hirap sa pag- ihi - makakatulong sa pagpapabuti ng pag-ihi ang pag inom sa pinaglagaan ng buhok ng mais o ang mga butil ntio.
- Pananakit ng sikmura - ang pinaglagaan din ng mga butil ng mais ay mabisa para sa nararamdaman pananakit ng sikmura.
- Urinary Track Infection o UTI- pinaiinam sa taong may UTI ang tubig na pinaglagaan mismo ng mais.
- Rayuma - makatutulong naman ang pagtatapal ng dinikdik na mga butil ng mais sa bahagi ng kasukasuan na nananakit dahil sa rayuma.
- Pagsusuka - para naman sa kondisyon ng pagsusuka maaaring inumin bilang tsaa ang pinaglagaan ng tinustang mais.
- Bato sa bato ( kidney stones) - Iniinom naman ang pinaglagaan ng buhok ng mais para sa pagkakaroon ng mga bato sa bato.
- Sugat- ang dinikdik na buhok ng mais ay maaari din gamitin para mapabilis ang paghilom ng mga sugat.
- Paninilaw ng balat ( jaundice)- ang paninilaw ng mga balat na may kaugnayan sa karamdaman sa atay ay maaaring matulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng buhok ng mais.
Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba't ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Mediko.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang pekto ng mga halamang amot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit a iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag- inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.
Itsmecrizzabatcheril
ReplyDelete50/50
Wow , ang galing naman ni Ronalyn Amoro, Bigyan kita 50/50 🥴Yeheyy
ReplyDeleteBibigyan kita ng 50/50 score sis😄 kasi malinaw ang bawat impormasyong naka palood sa bawat pangungusap at madaling maintindihan at walang kamaliang gramatikal💕
ReplyDelete