Kaalaman Tungkol Sa Mais Bilang Halamang Gamot
Ang mais ay isa sa mga pinaka importanteng produktong pang-agrikultura ng Pilipinas. Ginagamit ito bilang pagkain ng tao at sa paggawa ng mga pagkain ng hayop. Ang mais ay kilalang pananim sa mga bukirin sa Piliinas na inaani para sa bunga nito sa butil. Ang halamang mais ay isang uri ng damo na may taas na 1.5 hanggang 2 metro. Ang bunga ay may maputi o madilaw na mga butil na karaniwang ginagamit sa ilang mga produkto at pagkain. Ang mais ay orihinal na nagmula sa mga bansa sa Amerika. ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAARING MAKUHA SA MAIS? Ang iba't ibang bahagi ng halamang mais ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaring mag benepisyo sa kalusugan: Ang mga butil ng mais - ito ay mayaman sa carbohydrates, B vitamins ( riboflavin and thiamine), vitamin A at C, potassium at zinc , pati na rin protina. Ang buhok ng mais - ito ay mayroong maizeric acid, langis, resin, sugar, mucilage at salts. PAANO GINAGAMT ANG MGA I...